Mag-uusap-usap ang mga lokal na lider upang magpasiya kung paano makatatanggap ng sakramento ang mga miyembro kahit minsan lang sa isang buwan
Ipinadala ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang liham na ito noong Marso 12, 2020, sa mga miyembro ng Simbahan sa buong mundo.
Mahal naming mga Kapatid,
Gaya ng ipinangako sa aming liham noong Marso 11, 2020, patuloy naming sinusubaybayan ang pabagu-bagong kondisyon na may kaugnayan sa COVID-19 sa buong mundo. Isinaalang-alang namin ang payo ng mga lokal na lider ng Simbahan, mga opisyal ng pamahalaan at mga propesyonal sa medisina, at hinangad ang patnubay ng Panginoon ukol sa mga bagay na ito. Narito ngayon ang pinakabagong direksyon tungkol dito.
Sisimulan kaagad, lahat ng pampublikong pagtitipon ng mga miyembro ng Simbahan ay pansamantalang ititigil sa buong mundo hanggang sa magbigay ng dagdag na paunawa. Kabilang dito ang:
- Mga stake conference, mga leadership conference at iba pang malalaking pagtitipon
- Lahat ng pampublikong pagsamba, kabilang ang mga sacrament meeting
- Mga aktibidad sa branch, ward at stake
Kung maaari, mangyaring isagawa ang anumang mahahalagang leadership meeting gamit ang teknolohiya. Ang partikular na mga tanong ay maaaring isangguni sa lokal na mga priesthood leader. Ang karagdagang direksyon tungkol sa iba pang bagay ay ibibigay.
Ang mga bishop ay dapat sumangguni sa kanilang stake president para malaman kung paano makatatanggap ng sakramento ang mga miyembro kahit minsan lang sa isang buwan.
Hinihikayat namin ang mga miyembro sa pagganap nila sa ministering na pangalagaan ang isa’t isa. Dapat nating sundin ang halimbawa ng Tagapagligtas na pagpalain at pasiglahin ang ibang tao.
Ibinibigay namin ang aming patotoo tungkol sa pagmamahal ng Panginoon sa panahong ito ng kawalang-katiyakan. Pagpapalain Niya kayo na magkaroon ng kagalakan habang ginagawa ninyo ang lahat upang ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo sa bawat sitwasyon.
Tapat na sumasainyo,
Ang Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol